Naisip ko lang na magbigay ng opinyon rito sa topic na to. Wala akong pakeelam sayo kung hindi mo kailangan at hinihingi ang opinyon ko. Gusto ko lang para naman mailabas ko to sa utak ko para maluwag-luwag siya sa susunod na semestre ng aking pag-aaral bilang isang PT. Anyways back to the topic.
RH BILL yung mga contraceptives na yan ang naisip ko lang ehh ilagay yung disadvantage at advantage nila alam ko alam niyo na ehh di wag niyong basahin "sentido comon! por dios! lumayas ka sa blog ko! kung ayaw mo haha peace joke lang basa ka lang diyan marami iba magaganda ; ) " Disadvantages maari kang makakuha ng sakit dito! Like the deadly disease cancer tapos kung anek-anek pang nakamamatay na sakit!
Isa pa ehh pagpalagay nating nakuha mo ang gusto mo na makontra ang pagdami ng populasyon mamamatay ka naman wala din di ba?! Tapos isa pa abortion raw ito kasi pinipigil mo ang paglabas ng isang nilalang na nilaang lalabas sana. Ngayon naisip ko lang ang abortion di ba dapat may bata na? Wait nga isesearch ko.
"Abortion is the termination of a pregnancy by the removal or expulsion of a fetus or embryo from the uterus, resulting in or caused by its death."
Ngayon ano ang abortion sa contraceptives? Diba parang wala naman kung titignan pero ginigiit nila sa news na abortion ok fine! May paliwanag naman sila nakalimutan ko lang :)) Ohh well tapos may malaki namang maitutulong itong contraceptives maari ngang kumonti ang populasyon natin or ma maintained na ayos sa mga resources natin, maari talaga silang makatulong in a way. Pero bakit ang daming tutol di ba.
Oh well again kasi naman kung titignan sa biblia eh dapat magpakarami tayo pero di naman ibig sabihin literally di ba isipin mo alam mo yan. Tapos ano daw ulit yun kung bakit tutol ang simbahan? Kasi isang part ito ng abortion oh yeah kung ganoon ang lagay eh naman! Itigil na ang kalokohang yan! Bakit?! Nakasulat ba sa biblia na kontrahin mong lumabas ang isang nilalang na walang muwang at ang tanging nasa isip lang ay masilayan ang mundong ibabaw?
Naisip mo ba na paano kung sa iyo gagawin iyon? Yung pipigilin kang mabuo at mabuhay? Yung mawawala ka na lang na parang magic? boom! invisible parang hangin. Naisip mo rin bang maaari mong ikasawi iyan? Naisip mo na bang lapastanganin ang sarili mo? At kung sa tingin mo liligaya ka sa gagawin mong yan, bakit hindi ka na lang magpakamatay literally? Kasi dun din ang sintensya mo.
Wala akong kinakampihan pero kung papipiliin ako ehh yung magpapapili sa akin kung ano yung sinusoportahan niya ay di ko pipiliin bakit kamo? Bakit mo ko papipiliin? Tanong mo din sa sarili mo. Tapos kumbaga sugalan ng friendship iyan "ay bongga ka te! or kuya!" bahala ka sa buhay mo at wag ka ng magpapakita sa akin char! Kasi naman bakit aabot pa sa puntong ganoon di ba.
Ngayon mag-isip kayo kung anong panig ang mas tama para sa akin sa ngayon walang tama walang mali para naman di ako bias kung sa tingin mo naging bias ako sa opinyon ko sa taas ehh bahala ka na rin sa buhay mo nilatag ko lang ang katotohanang nasa isip ko kaya wag kang OA!
Maaring iba ang iniisip mo sa iniisip ko kasi malamang di tayo si B1 at B2 isa pa di tayo extraordinary species na kayang mag-isip ng iisa at eksaktong pananaw! Kaya nga may tinatawag na "FREE WILL" na nalaman ko kay Mr. Ehpraim Militante Veluz .
P.S. wag mong dibdibin may likod ka pa. isa pa "opinyon" nga ehh hanapin mo kahulugan para malaman mo ok? ; )

galit?
ReplyDeletehindi naman haha :))
ReplyDelete