"Sa madaling salita ito ay hinahanap mo. maaring sumugal ka kung may tapang kang taglay at maaaring wala kang gawin at isiping tadhana na lamang ang bahala."
"Ngunit naisip mo bang wala naman sigurong mawawala kung sumugal ka o subukan mo ang isang bagay."
"Pero bibihira na lamang ang taong mag-iisip ng ganyang sistema."
"Sa madaling salita parang ganito lang yan eh, Sinasabi mong positibo kang tao pero negatibo ang naiisip mo, eto pa isa Sinasabi mong wala kang pakeelam sa isang bagay kahit na mayroon."
"Paano ko kamo nasabi? Simple lang kung wala ka talagang pakeelam sa isang bagay, hindi mo na kailangang ipagsigawan sa buong mundo na wala kang pakeelam o kahit ibulong mo pa yan! Manatiling tahimik at tikom ang bibig yan ang tamang gawin."
"Ngayon balik tayo sa estrangherong pakiramdam. Bakit ko naisulat ito? Dala ng aking damdamin. Sa paanong paraan? Hindi ko rin maisalaysay basta na lamang itong umuusbong na parang isang ligaw na bulaklak na basta-basta na lang lalago hanggang sa mabuhay siyang isang napakagandang bagay sa mundo."
"Maaaring maguluhan ka sa unang bagay na ito ngunit pagdating ng panahon o sa pagdaan nito di magtatagal ay malalaman mo rin kung ano ba talaga ang bagay na iyon."
"Yung bagay na kulang sayo, yung bagay na hinahanap mo, yung bagay na matagal mo ng inaasam na makuha maranasan o ano pa man, yung bagay na hinihintay mo, yung bagay na gusto mo, yung bagay na bubuo at masasabi mong and then i lived happily ever after ;) ."


No comments:
Post a Comment