Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Monday, June 20, 2011

Challenge Presents "DAY THIRTY (30)"

Sino Ako?

Sino nga ba si Gillan Abellar Cereno? Isang tao malamang. Isang babae of course! But minsan ehh napupunta ang pangalan sa listahan ng mga boys sapagkat akala nila ay lalake ang pangalang "Gillan" and nakakainis yun >:P

Ako? Toyoin madalas, sweet minsan, moody? OO. Masayahin oo pa rin promise. Promise ng promise pero madalas di natutupad :)) mahirap mag adjust sa nakasanayan na so wag kang kumontra >:P Magaling oo kasi walang sakit. Computer Addict *atleast computer lang* but binabawasan na yan.

Pala-aral *ngayon lang*. May isang bagay na napaka hirap tanggalin sa akin. It bad things happen sa harap ko lalo na kung about sa aking pamilya /  mga kaibigan, halimbawa nadapa, umiyak, sinigawan o kahit anong masama physically and emotionally di din ako maka get-over, i mean sobrang affected ako in short mabilis akong ma traumatize.

Lagi kong sinasabi "Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan". First impression, karamihan sa mga nakikilala ko, mataray raw ako, and that's ridiculous kasi hindi naman po :D

Lola's girl ako. Mabilis ako ma fall in as well as mabilis din ako ma fall out (common sense na lang yan). Joker but sometimes corny, nababara haha uso na yun bibihira na lang yun ngayon :))

Hobby ko kumain.

Warning: "I have a very BAD (even WORST) TEMPER.

Ano pa ba? Tanong na lang nga kayo ng gusto niyong malaman :))

~challenges don't ends in here *wink*

Saturday, June 18, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-NINE (29)"

Sa mga nakaraang buwan, ano ang aking natutunan?

So far ang aking natutunan this past month ay maging masipag pero nag start akong maghugas ng plato nung summer at nung 1st day of school dito sa bahay but! Naging ningas kugon ako and nakakainis kasi naman simula ng nalaman nila na naghuhugas ako ng plato aba'y nasanay sila at tinatambak ang mga hugasin! Di ako tanga! Asa naman! Siyempre napapagod din ako! At ayoko ng naaabuso! :P

Natutunan kong magtimpi ng kaunti pero di pa rin sapat kasi sige palit tayo! Try mong magigising ka sa sigawan at iyakan ng mga bata! Bago ka umalis at pumasok sa school then pagkauwi mo then yung sa study time mo tapos bago ka matulog and habang natutulog ka na! Damn it! Sige ano palit tayo!?

Natutunan ko ding manuod ng balita at maging aware sa mga nangyayari sa paligid at basta balita.

Natutunan kong bawasan ang pag iinternet ko.

Natutunan kong mag-aral muna ng dapat aralin kung meroon man bago ang lahat ng bagay.

Natutunan kong manood ng TV na dating hindi ko naman gawain.

Ngayon naman maglalaba ako haha! Nang dalawa kong long sleeves na sweater coz gusto ko lng >:P

Sa ngayon yan na muna ang share.com ko :))

Friday, June 17, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-EIGHT (28)"

Litrato ko noong nakaraang taong 2010 at litrato ko ngayong 2011, Gaano kalaki ang pagbabago?

This is it! OMG! ayy OUG (ohh our God) pala d naman ako nanga2nya ng GOD. Ngayon malamang madaming pagbabago physically, mentally and emotionally idagdag pa pala ang kilos. Gusto niyong malaman lahat? Ehh pag sinipag sige magkwekwento pero summary na lang ngayon kasi mag aaral pa ako :]

Eto yung ngayon kita naman sa date ng picture. 2011


Eto naman ehh nung 2010 last year photoshoot bago kami grumadweyt sa 4th year higschool.


Obviously physically makikita ang pagkakaiba. Eyebags, buhok, basta kayo na lng tumingin. 

Mentally matured na mag isip kung dati easy go lucky ngayon medyo na lang at tsaka nagseseryoso na kasi mahirap na kung lagi mong iniisnab ang mga nangyayari sa araw-araw na pamumuhay. Di na makitid ang utak. MABAIT na promise :P basta nagbago na kesa dati.

Emotionally, mejo overcome na yung ibang fears sa mga tao dahil sa TROPANG OASIS sila ang nakapagpabago at nakapagpaintindi sa akin nun. Although minsan natatakot pa din pero wala na yung phobia salamat sa TROPA! I LOVE YOU GUYS!

Sa kilos, dati mejo boyish pero may pagkababae pa din kumilos ngayon naging worst mas naging manly ang kilos ko so for a change magbabago na ako lol :))

Basta makikita ang pagbabago pag nakasama ako ng mga dati kong friends sobrang nag iba na :]

P.S. minsan na lng childish

Thursday, June 16, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-SEVEN (27)"

Bakit Ko Ginagawa Itong 30 Day Challenge Na Ito?

Simple lang! Dahil "GUSTO KO" haha :P Bakit cge nga ikaw gagawa ka ba ng hindi mo gusto? Yung tipong una oo pero mawawalan ka ng amor sa dulo! Ano ka Ga**! (Common Sense!) :P

Sa totoo lang may isa pang dahilan gusto kong maging active sa blog yung i-explore ko to para naman in the near future ehh malay natin diba mas ma enhance ko pa to to the point na katulad ng ibang "FOOD BLOGGER" mapasama ako sa kanila :D (Dream BIG!)

May isa pang dahilan niyaya ako ng BFF MAYVIC ko at first naguguluhan ako but on the second thought naisip kong exciting ito!!! Para nga din maging active at ma explore ko to paikot-ikot na sagot ko :))

In the end ganoon pa din plus kasi nung time na sinimulan ko to wala na akong magawa sa internet world so i decided na gawin ito pampalipas oras :D

Monday, June 13, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-SIX (26)"

Ano ang iniisip ko patungkol sa mga KAIBIGAN ko


Sila ay mababait (ohh ice-cream to ha!) hahaha! Maalalahanin (coke float naman to!) wooo! Kengkoy (ohh libre na lng to!) wahahaha! Masayahin lalo na ang TROPANG OASIS naku! sinasabi ko sayo pag pinagsama-sama mo yan kakabagin ka kakatawa! Yan yung masasabi mong totoong kaibigan kahit baho ng isa (literally and not) tanggap nila walang PLASTIKAN! (parang namali sa term echos!) Masaya everybody happy talaga!

Ang mga kaibigan ko sa totoo lang ehh totoo haha! At sa totoo lang ehh totoo talaga tapos totoong, totoo na talaga :)) Pero sa totoo lang yung totoo na to, mababait pag tulog, masayang kasama, at nakakagaan sa loob (parang high haha!). Basta! Masaya nga! Maaasahan promise! Matulungin na nga sige na haha :)) Mababait (paulit-ulit!).

All in all try niyo nlng silang kasamahin i mean bonding2 lang haha :DD

Sunday, June 12, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-FIVE (25)"

Ano ang mahahanap mo sa loob ng bag ko

Hmm.. Kung bag ko kamo ehh yung dinadala ko ngayon sa pagalis-alis ko ehh eto ang laman niya ngayon, Make-up kit (uyy kikay pwe!), suklay na brush (hi tech yun!), case ng salamin ko (in case mairita ako), wallet ko na bronze (dun kasi nakalagay malamang pera ko! common sense), may coin purse din na black (ang common sense paganahin!), vitress na oil (kasi dami ko baby hair!). Sa ngayon yan lng muna ang matatagpuan dito pero kung tatanungin mo ko sa pasukan ehh. Sa pasukan na lang *wink* madami ako dinadala pag ganun haha!

Biyaan mo next challenge sasabihin ko yung laman pag bag sa school ang pag uusapan. *high five!* ;]]

Katamaran Wawasakin Kita!

Buti na lang napagisip-isip ko rin na wasakin ang katamaran ko. Step by step siyempre! Masama pag biglaan ayokong maging ningas kugon. Masakit ang binti ko ngayon kakatayo malamang at kakalakad dahil sa peseteng kaibigang laptop ko na to. Anyways irerelate ko sa katamaran kasi pag may sumasakit sa akin kahit kuko lang (yeah!) tinatamad ako pero! This time! Katamaran MINUS!


Kailangan kong MAGSIPAG! Ayoko ng bumagsak :P Kaya this is it! Kung kinakailangan alisin ang madami o sobra na nagiging bawal gagawin ko! Pero wag kang feeler na in 1, 2, 3, poof! magagawa ko yun! Di ako alien! Pag-iisip pwede pa pero kilos hindeeeeeeeeeee! Kaya gagamit ako ng Step by step at Mind over matter. Common Sense naman alam kong maiintindihan mo yan pwera na lang kung ipinanganak kang slow o mahina :P


Sa totoo lang kapag biglang poof! (may tunog pa ehh! hindi literal wag kang pilosopo!) Naiiisip kong 'tinatamad ako' agad kong kinokondena na hindi! I can make it! Kaya ko itong labanan! Nagsimula yun nung naghuhugas ako ng plato oo tama ang narinig mo naghugas ako ng plato (himala!) Ehh kasi naman daming tambak tapos nakokonsyensya pa ako!

Actually dapat sa bro ko yun ipapagawa kaso ayun bulagta tulog na so iiwan ko na dapat siya kasi sa ref naman talaga nagsimula actually sa tubig pala. Bago matulog ang aking lola binilin niya yung ref para sa malamig na tubig but nung after namin manuod ni bro natulog na si bro at ako naman di pa makatulog kasi basta! (mahabang storya saka na lng tanong ka nlng personally) Kaya napadaan ako sa may ref na naka defrost at ayun mejo tinitigan ko siya.

At first balewala pero nung narinig ko na may nagsabi sa utak ko 'nakakatamad' ay naku! Binilisan kong punasan iyon at ng makita mejo madumi yung ibang lalagyan nihugasan ko. Tapos nagsalin ng tubig tapos naisipan ko din hugasan yung plato kasi akala ko konti lang. Nang matatapos na ako napalingon ako sa right side and bang! Napakamot ako sa ulo dahil hugasin rin pala yung patong-patong na yun!

At first ulit (peborit ehh) nasabi ko na 'tama na tinatamad na ako' but hindi! Pinalitan ko ang isiping iyon! Ginawa ko hinugasan ko siya and after ehh continue ako sa pagsasalin ng tubig at paglalagay sa ref kasi para may tubig na malamig lagi pa naman ako naghahanap nun so for own good din hehe. Napadamay pa yung mejo saluhan ng titis ng tubig mula sa plato na mahugasan ko gawa mejo madumi ehh at baka matapon tubig sa mga kutsara ehh yuckie yun!

Nakita ko din na yung tauban ng mga baso ehh may langgam pero ignore ko na yun! Sabi sayo step byt step lang! Masamang biglain baka magkalagnat ako! Mabulilyaso pa ang planong magsipag hoho! ;] *wink*

Challenge Presents "DAY TWENTY-FOUR (24)"

Sulat para sa mga magulang

This is it ano ba naman yan! Ayan dumating na sa puntong ganito. Madrama to! Waaaaa! Teka pasimplehin ko na lamang. Ano ba naman yan! Magpapakatotoo ba ako o kunwari na lang? Ayoko ng 'bahala na' so kahit ano na lang haha! :))

Una,

Dear Nanay,

         Salamat po sa lahat ng bagay na ibinigay niyo sa akin (literally and not). Alam ko pong mahirap magpalaki ng pasaway, malakas na toyoing bata at cute (whew!) na bata haha! (walang aangal! moment ko to!). Pero sa kabila ng lahat kinaya mo pa rin kahit mag-isa ka simula ng grade 1 ako hanggang ngayong 2nd year  college na ako na dapat eh nursing tapos naging PT kasi salbahe ata ako religion na lamang binabagsak pa huhu! *iyak madami*. Sorry para po roon. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal po ang tuition ngayon kaya magiging mabait na ako :)) Eto na talaga Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din po ang kuryente, ilaw, internet, tubig, pagkain at kung anu-ano pa kaya magtitipid na din ako lol haha :)) Di biro lang eto na talaga pangako I LOVE YOU SO MUCH MOM! Kahit minsan aloof ako sa iyo kasi nga ayon sa pag-aaral mas close ang babaeng anak sa ama at lalakeng anak sa ina ay close pa din naman tayo nga lang ehh minsan dahil sa katoyoan ko ehh napapatahimik ako di ko alam yung approach na tama ehh. Salamat sa pagiging best friend, teacher, kaibigan at lahat-lahat na *daram mode*. I MISS YOU and sana lagi kang mag-iingat. Hugs and kisses.

Ang iyong prinsesa Gillan (wooo!)

P.S. Hindi lahat ng bagay ay maipapahayag sa sulat mas mainam kung sa gawa ;]


Pangalawa,

Dear Tatay,

        Salamat at naging tatay ka pa rin sa akin kahit sandaling panahon sa akin (i mean yung malapit ka). Salamat at naranasan ko naman magkaroon ng tatay na pagsusumbungan kapag inaaway ako ng mga kalaro ko nung bata pa ako. Salamat sa pagpalo mo sa akin kahit isang beses lang para malaman ko na mahal mo talaga ako. Salamat sa mga pet na ipinaalaga mo sa amin ng bro ko nung bata pa ako. Mapagtanto mo sana kung gaano kahalaga ang buong pamilya. Maswerte sila (yung mga anak mo diyan) buo kayo. Ayoko ng drama tama na to. Pero an sakit ehh ang sakit ng binti ko kasi kanina nagpagawa kami laptop ni bro ehh wala naman upuan sa sm na mapagtambayan walang lugar haha!! :)) Pero sa totoo lang kahit medyo may isip na ako ngayon di ko maiwasan mag isip ng tama at mali (anong konek) mali pala di pala dapat kasama yan (erase, erase) Pero kasi ganito yun wala lang imagination na isang araw nananaginip lang ako ng mahabang tulog at buo pa rin tayo *drama-drama na!* O siya tapos na I LOVE YOU and I MISS YOU.

Ang iyong prinsesa (one and only dapat bleeh!) Gillan

P.S. Sa kahilingan na mababaw ito ang pakatandaan "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan".

Pangatlo, ( huwat! 3 magulang kooo? oo teka wag kang OA! mamaya ko papaliwanag magbasa ka na lng walang iyakan :]] )

Dear Ninang,

           Salamat sa pag-aaruga, pag-unawa, pag-iintindi at pagturing sa amin na parang tunay na mga anak. I know di ako masyadong open ngayong nagbibinata ay nagdadalaga na pala ako pero kasi andun yung distansya pa rin. Di ko kasi alam paano ma eexpress sarili ko pero all the time naman nag bobonding tayo. Alam mo nainis ako sa sarili ko at di ako talagang makatulog nitong mga nakaraang gabi ng masubsob at madapa ka sa harapan ko at makita kong may dugo sa mga labi mo at may sugat sa mukha at di makalakad ng maayos. Sana ako na lang yung ganoon. Sa akin nangyari iyon kasi ang saklap. Feeling ko na trauma ako pero alam ko lahat ay nasa isip lang. Pero kasi di pa rin ma waglit sa isipan ko patawarin niyo ako kung wala akong nagawa para mapigilan ang insidente :(( Sobrang nalulungkot ako at namumuhi sa aking sarili *uy drama makata* kasi naman! Di ko talaga kinaya yung pangyayari :(( Nerbyos at kung may atake sa puso malamang naatake na ako. Hay pero Nang! Mahal na mahal ko kayo na parang nanay ko siyempre! Kahit dito ko lang sinabi ehh kasi nahihiya ako sa personal, totoo iyan and beside talagang Lola's Girl ako kahit minsan kasi naiinis ako pag nitotoyo kayo pero alam ko na dala na lang yun ng katandaan. Ayy bata pa pala hehe sorry naman :)) I LOVE YOU SO MUCH NINANG KO! Maraming-maraming (infinite times) salamat sa lahat-lahat! Yapos and kiss sa noo (ayieee) wag na umangal! Sa letter lang yan ohh. :]

P.S. I can't live without you para ko na kayong nanay nuh!

Ohh ngayon intyendes na kung bakit 3? Ahh kung di pa rin ohh eto limang piso bili ka COMMON SENSE haha :))


THE END~

Wednesday, June 8, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-THREE (23)"

Something you crave for a lot

Kung ngayon niyo ako tatanungin, gusto ko kumain ng adobo kaya yun ang pinili kong ulam nang tinanong ako ng aking ninang ngayon. Pero di ko alam kung yun nga lulutuin niya lol.

Ngayon may isa talagang crave na crave ako at gusto kong i try to ung 7 cheese sa pizza hut, yeah mahilig ako kumain ehh hobby ko kahit di halata sa akin lol XD Basta kapag fully healed na ako gusto ko talaga itong i try.

Puro ako pagkain ehh well gusto ko din nung Chicken Teriyaki sa Vhenocs sa school yung toge ang gulay ayoko ng ibang gulay lol. XDD

Gusto ko rin ng ice cream cake yiiiiie!! Eto talaga trip na trip ko san ba ko makakabili nito haha! Malamang magtatanong ako gawa taong bahay ako :))

Pero ang pinaka sa lahat ey eto...



Ayy sabi ko sa'yo dalhan mo ako kahit 3 lng dyan (demanding) dapat nga 5 pero dahil mejo mabaiy ako 3 lang pangako ko sa'yo "Your Wish Is My Command" potek yung literal na hiling lang ha! Di ako immortal para pagandahin papogiin o pa ibigin ang taong gusto mong umibig sa'yo! ehh ako nga namomoblema jan! Kaya literal at kakamit kamit naman na hiling at kung gusto mo lang at bukasl sa loob mo lol :))


Tuesday, June 7, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-TWO (22)"

What makes ME different from everyone else

Hmmm what makes me different from everyone else physically, emotionally, mentally ay iba ako sa lahat :P

Una sa lahat iba talaga ako kahit itanong mo sa mga kaibigan ko 1 and only ako nuh! Maarte ako sa way ko hindi yung maiirita ka pangako. Maingay ako lalo na kapag close na tayo. Masayahin ako tested na yan :)) Hmmm... Ano pa ba? XD

Mabait ako oo lalo na pag tulog woooo! Pag may gusto ako makukuha at makukuha ko yon (teka d negative ha!) Ganito na lang rephrase kumbaga kung may gusto akong tapusin na project ngayon tapos deadline bukas thesis man yan matatapos ko yan i swear!

Kaya kong mag internet ng 24-49 hrs straight (sentido comon!) malamang kakain naman ako kahit sa harap ng comp dadalhan ako ng mga kasama ko (nice one!) prinsesa ako ehh! haha! :))

Masikap ako lalo na talaga pag dating sa hanapan ng tao sa internet world o kahit gamit basta sa net ipahanap mo lng tyempo mo nasa mood ako mahahanap at mahahanap ko yan.

Mahilig ako magbasa ng kahit anu-ano lang siyempre kasama na yung (alam mo na yun) haha green! wag kang maingay lol! Mahilig din ako magsulat ng story. Magaling ako sa imagination. Kaya kong mag imagine ng extra ordinary at ikwekwento sa iyo on the spot at siguradong kakabagin ka kakatawa.

Matakaw ako kahit di halata sa akin. Yun pa nga pag sinabi kong gusto ko ng 'burger' hanggang di pa ako nakakakain nun d mo ko mapapatigil sa paghahanap (parang naglilihi lang).

Iba ako mag isip. Kaya kong gawing komplikado ang simple, at simple sa komplikado (wag mo na i try) mag aaway lang tayo haha!

Debate?! Di ka mananalo i swear kahit baluktot itutuwid ko manalo lang. Advices cge free lang umorder sa akin lol!

In the end. "AHH BASTA IBA AKO SA LAHAT!" kung gusto mo patunay tara bonding tayo :D

'only in my dreams' presents "Pagsalubong"


Sa bawat pagharap siyempre andiyan ang pagsalubong sa hinaharap. Sa bawat balak andiyan ang tagumpay o kabiguan na matatamo. Kumbaga ipinapakita lamang ng buhay sa'yo na hindi lahat ay puro  positibo.


Nung bata ka nadapa ka di ba? Alam mo sa sarili mo kung paano mo sinalubong ito. Ako kasi pagkadapa tayo agad at agad sabi sa mga kalaro ko ng "belat! Di naman masakit! Tuloy ang laro" paano ikaw?


Sa pagsalubong na gagawin mo andiyan yung mga plano o kahit di inaasahang plano na basta-basta na lamang lilitaw at lalatag sa harapan mo na parang mga baraha na pagkatapos mong balasahin gulo-gulo na malamang!


Bisekleta. Sa bawat pagpika mo dito masisiyahan ka lalo na at natutunan mo na ito. Pero di mo napagtatanto na mahirap din pala. Bakit? Sa haba-haba ng tinakbo mo mangangalay at mangangalay ka at titigil at titigil ka upang mamahinga.


Ganyan din ang gagawin mong pagsalubong sa mga posibilidad na pwedeng mangyari. Kung pipika at pipika ka pa rin maaaring makayanan mo pero andun pa din ang sakit sa huli. Kumbaga oo nakuha mo na pursue mo yung nais mo pero PINAGSISIHAN mo useless di ba?


Bakit hindi mo lagyan ng interval ng sa ganoon sa huli ma a-appreciate mo at matatanggap mo siya ng bukal sa kalooban mo. Ganun din sa pagbuo ng nais mong buuin. Kung may pasyensya ka ang kahit na pinaka mahirap na puzzle sa buong mundo ay mabubuo mo. :)


Sa pag-ibig iba naman. Mayroong madalian, matagalan, magulo, maayos, at kung anu-ano pa. Na sasaiyo kung anong gagawin mo para mag work out ito. Nasa kamay mo lagi ang lahat. Not literally kaya gumamit ka ng common sense :P

Monday, June 6, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY-ONE (21)"

Litrato ng mga bagay-bagay na nagpapasaya sa akin

Sa totoo lang madami talaga cge isa2 na lang kumbaga background lng na ipapakita ko sa inyo kung ano iyon.

Una sa lahat ay ito...


Tama kayo! Ang aking pamilya.. Wag kang ambisyoso/ambisyosa wala na kming pic na malalaki na kmi haha :)) biyaan mo mag rerequest ako sa debut ko maraming marami FAMILY PIC XD

Pangalawa po ay ito...


Yeah tama ang aking TROPANG OASIS syempre ang mga kaibigan ko na yan nakow! 1 day mong makasama! Sasakit tyan mo kakatawa! PANGAKO! :)


Itong isang to sumisimbolo sa lahat ng kaibigan ko :D masaya naman kasi sa lahat :D yun nga lng dumadating ang oras na kailangan talaga magbago at mabuhay ng bago kasama ang mga bago basta yun yun! :))

Pangatlo ay ito po... 



Tama kayo actually kasama to sa may impact sa akin. Ngayon nagpapasaya din po siya sa akin kasi nga perfect couple / cute couple ay natutuwa ako lalo na yung mga ganyan wala lang masama ba? Ehh sa nasasayahan ako ehh... Wag niyo lang ako tanungin about sa akin related to that kasi di ka masasayahan sa sagot haha :))

Pang-apat po...


Tama kayo sadyang matakaw lang ako kahit d halata kasi nabiyayaan ata ako ng 'fast metabolism' na tinatawag oo na ako na mababaw pero masaya na ako kahit yan lng (ginutom tuloy ako dun!)


Eto pa niyay!!! Ayan gusto ko tuloy ng mga yan in real life as in now! Pero parang gusto ko ng maalat kasi kakakain ko lng ng Pandan Cake (share lang naman po) haha! :))

Pang-lima po at humahabol ay tentenenen!!!


Playful Kiss na aking kinababaliwan ngayon na grabehan ang kilig moments ko jan!!!


Secret Garden din siyempre! Mas nauna to sa Playful Kiss pero iba naman ang kilig moments ko dito woot! woot! :D (puro hearts paligid ko at walang babangga sa pantasya ko pag nanunuod ako ng dalawang yan) *kilig* ~ infinite :D






Sunday, June 5, 2011

Challenge Presents "DAY TWENTY (20)"

Someone you see yourself marrying / be with in the future

Hmm, cge ipapaliwanag ko may tatlo akong persepsyon para dito magulo ang isip ng babae alam niyo yan. Pero mas magulo ang isip ko ako lang :))

Una seriously hindi ko alam kung maniniwala ako jan dahil i belong to a broken family so bitter ako ika-nga. Mantakin mo ang bait ng pakita ng tatay ko nung bata kami almost PERFECT FAMILY tingin ko ngayon di naman siya masama sa sinasabi ko wala lang.

Back to the topic ayun nga siguro in my case now d ako maniniwala muna jan pero di rin ako magsasalita ng tapos mahirap nga baka pag dating ng araw ehh maiharap sa akin tong challenge na to at tawanan ako duh! Makakatikim sa akin ng mega punch with flying kick yung tao na yun :P seryoso ako!

Pangalawa i'm a typical type of girl pagdating sa love story. Kinikilig much at nangangarap din naman ika nga malambot inside *hihi* yeah kapag tinatamaan ako ng kilig siyempre ang gusto ko yung positive kaya akong panindigan, hindi puro salita, mabait, oo na gwapo (physical ehh nuh), hmmmm, yung mga katulad sa T.V. halimbawa mala 'Owen' ng Secret Garden at 'Gelo' ng Playfull Kiss.

Ehh babae pa din naman kasi ako kaya ganoon! Malay naman natin maging fairytale naman tulad ng gusto kong snow white pero ayaw ko malason *SIRA!* para halikan ng prince! Tange! Yung live happily ever after lang naman kung meron ayaw ko maging negative dito haha :P

Pangatlo ang pinaka possible sa lahat. Kung ano o sino yung gusto mo ay hindi mapapasa-iyo kumbaga kabaliktaran nun tested yan sa nakikita ko sa kapaligiran. Sa environment lang kasi kung observer ka (uy observer ako yesh! haha) makikita mo na ang iba't-ibang mukha ng pag-ibig.

Teka iba na yan basta nasabi ko na haha baka ma carried away pa ako :))

Saturday, June 4, 2011

Challenge Presents "DAY NINE-TEEN (19)"

Nicknames you have; why do you have them


Una sa lahat ay ang "Gie" eto ehh nung hiskul pa ako may tumawag sa akin niyan nakalimutan ko sino may natawag din sa akin niyan hanggang ngayon dahilan ewan basta na lang natawag pinaka maikli ehh :))

Pangalawa "Gilz" eto hiskul din at nabuo to dahil sa GJAM si MAFZ ang unang tumawag sa akin nito ehh ;] kaya dahilan ehh dahil sa tropa ko :]

Pangatlo "Gilzie" eto naman ung nauso ung mga lalagyan ng kung anek-anek ang name sa huli ayan napagtripan nagustuhan ko naman kaya ayan tinanggap ko :))

Pang-apat "Gilly" tawag nung kamag-anak sa akin minsan "Giliw" pa nga ewan ko ba dun :))


Pang-lima "Gils" ang pinaka latest kay LORENZO CARLITO MY LOVES ko to naunang nadinig ung gigil na bigkas pa :)) 

Ano pa ba? yan lang ata ehh tama na yan hehe :)