Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Monday, August 22, 2011

Scientifically Thinking

Scientifically thinking, oo maganda siya, napatunayan, base ika nga sa facts so napag experementuhan na siya at napatunayan nga. Kung iisipin natin maraming taong dito nakabase. "To see is to believe" no exception, kaya siguro may 'atheist'?


Pero di ako against sa kanila, nabuhay tayong lahat sa mundong ibabaw ng pantay at pare-parehong may free will at sari-sariling pag-iisip.


So ganito na lang, kung sa tingin niyo naging masaya ang mga scientist, sa tingin ko naman hindi, oo nakilala sila noon at ngayon, pero ang punto eh, nalalaman niyo ba talagang masaya sila dahil matagumpay sila?


Sa tingin ko hindi, bakit? Oo tama kayo nagtagumpay sila at may na i-contribute sa mundo, pero alam niyo ba ang emotional state level nila? Oo naging masaya sila sabihin natin pero ibang saya yun, saya ng pagtatagumpay, pero kulang pa rin iyon.


Gusto niyo ng patunay? Eh di gawa kayo time machine :P

Maganda ang scientifically thinking kasi sa panahon ngayon modern na tayo innovative world kumbaga, so practically maganda ang pag-iisip na ito.


Pero isa isip! Hindi siya applicable sa lahat ng bagay. Gusto mo ulit ng pruweba?! Ano ka abogado?! Dami mong arte, sige gamitin mo yan sa 'love' tignan natin kung sumaya ka! :P

Wednesday, August 17, 2011

Hassle

Bakit nga ba tayo na hahassle? Na kahit anong gawin mong tama sa mga bagay2 ay wala pa din, minsan sablay pa rin.


Ganito na lang ang isipin natin importanteng sangkap ang oras at sitwasyon.


Sa oras masasabing limitado lang ito dahil may 24 na oras lang tayo at sa sitwasyon naman ito talaga ang gigipit sa atin ngunit nasasa iyo kung malulusutan mo ito o hahayaan mong tibagin ka niya.


Pero ang malupit kapag nagsama ang sitwasyon at oras. Yung tipong kahit anong galing mong lumusot sa barbwires, sasabit at sasabit ka pa rin kahit subsob ka na kakaiwas dahil hindi patas ang taas nito sa lupa o mas magandang sabihing malinis na pag sabotahe.

Monday, August 15, 2011

Masasabi Ko Lang Presents "Bad Influence"

"Wala naman talagang 'bad influence' kasi, nasa sa'yo pa din naman ang desisyon kung magpapa impluwensya ka o hindi. Aba! Para saan pa at may utak at isip ka?! Tsaka hindi ka naman pinilit na gawin ang bagay na masama nilang tinatawag, maaaring ginawa mo yun sa dahilang...

 ~una curious ka lang at gusto mo rin maranasan yun masamang bagay na yun. (napakalumang dahilan nito)

~pangalawa gusto mong mag astig-astigan para masabing in ka sa grupo nila ginawa mo yun para magpa impress lamang at makuha ang loob nilang matawag kang kaibagan na nila at ka join sa grupo nila. (pinakabagong dahilan ito)

~at pangatlo baka naman naiwan mo utak at isip mo sa bahay pakibalikan o di kaya nama'y naupuan mo (sarkastikong dahilan naman ito)

Kung kaya't nasa kontrol mo pa rin yan, kung idadahilan mong pinilit ka nila 'gago' ka bakit?! Kelan pa sila ang gumamit ng isip at utak mo?!"

Thursday, August 11, 2011

Stress Absorber

There's no such thing as "Stress Absorber" that's not fair! Hindi ako stress absorber lalong-lalo na at may sarili rin akong stress! Hindi ko na to gusto! Nagsisisi na ako at pinasok ko tong larangan na to. Pero wala akong magagawa karma na siguro kahit di ako naniniwala diyan.

Just go with the flow, but new me is coming! I hate being a kind person! From now on i'll be one of the bitches in the world! I hate to say it but I'm really fed up!

Kainis na wagas! >.<

Sunday, August 7, 2011

Bakit Hindi Ko Ma Feel?

Nito mga nakaraang buwan simula ng pumasok ako sa bagong kursong kinuha ko, napapansin kong di ko na fe-feel ang aking weekend :(

Alam ko naman siguro sa sarili ko ang sagot pero ayoko lang i-absorb kasi di ko rin gugustuhin ang sagot dahil alam kong kasalanan ko din naman :(

Ano ba naman yan! Kailangan ko lang sigurong maging produktibo at wag matulog maghapon sa kaisa-isa kong weekend para naman ma enjoy ko siya ng kaunti kahit mga 5% lang ok na hay! :(


larawan kuha dito

Monday, August 1, 2011

Maligayang Kaarawan Aking Kaibigan

Maligayang bati sa iyo! Nawa'y ulanin ka ng payapang pamumuhay at maliligayang araw.

Ngayon ang iyong araw, sa totoo lang para sa akin ay araw mo dahil wala ka sa aking tabi o maski na nasa aking tabi ka araw mo pa rin para sa akin dahil isa kang espesiyal na kaibigan para sa akin.

Nawa'y sa munting pagbati ko na ito ay mapaligaya kita at mapatalon sa galak.

"Maligayang bati.. Maligayang bati... Maligayang, maligaya.... ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh... Maligayang bati!!!!!!!!!!"

Maligayang Bati Mayvic Anne Camoras Chavez!!!