Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito, sa totoo lang sobrang sakit ng ulo ko ngayon, na halos puputok na siya (sige na OA na), pero ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Naisipan ko lang bisitahin ang blog ko, bakit? Hmmm, sabihin na lang natin na may gusto akong alisin, oo alisin na pagkakamaling impormasyon. Tapos na nagawa ko na. Pero bakit ko naisipan mag-update? Ewan hindi ko din alam. Ni wala akong ka ide-ideya kung paano ako magsisimula at anong sasabihin ko. Siguro dahil lang gusto ko ngang mag-update.
Sa totoo lang, nagugulat ako, nagbasa ako ng past blogs ko at ayun nga, medyo na we-weirduhan ako kasi, parang naninibago ako, di ko matandaan na ako ang nagsulat noon, pero alam ko ako talaga hahaha! Nangangalawang na nga yata ako, na-fa fascinate ako sa sarili kong mga sinulat? Grabe hahahaha! Tumatanda na nga ako, pasensiya, tao lang< ganoon talaga siguro. Isama mo pang wala naman na akong laptop at siguro dahil may iba na akong pinagkakaabalahan.
Tatapusin ko muna, saka na lang ulit, kapag nasa kundisyon at alam ko na ulit ang mga bagay-bagay (hopefully), makabalik sana ako haist! :/
