Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Sunday, July 24, 2011

My Special Valentine presents "Bad Love" by Ella Gualvez

Isang napakagandang kwento nanaman ang nagpamulat sa akin. Love Story po ito malamang kasi pocketbook ito. Nahihilig nanaman ako dito. Actually familiar na to baka nabasa ko na nga naulit ko lang pero ang ganda niyang ulitin kung ganoon man kasi almost last year ako huling nagbasa tapos eto ngayon nagsisimula nanaman ako.


Ang kwento na ito ay intense tsk! Sentido comon! Kumbaga ehh 'for adults only' pero mas mababa pa sa basic so intense lang. Para sa closed minded pwede na din kasi di naman ganoon kalala. Ang terms lang naman ay 'making love' so wag kayong O.A. ok!?


Ito ay kwento ng childhood bestfriend na si Mikhail at Janet. As in halos magkadikit ang bituka nila but they are for each other ika nga. Kahit may konting hadlang kasi di naman totally infatuation nga lang daw sabi sa storya. Sila pa rin sa huli. Kung may term na 'it's a much watch movie' eto ehh it's a much read story' sana tama yung nasa isip ko sa term na yan anyways paganahin mo utak mo at isipin mo na lang ang punto ko ok!?


Masaya yung kwento emotionally makakarelate ka in a way. Madadala ka as in. Ako kasi pag nagbabasa parang ako na yung bidang babae, ehh sa ganoon ako ehh absorbed na absorbed ko siya ohh well papakita ko na lang yung plot.


Pasensya na kung lack ang words ko sa pag iintroduce nga mga ito kasi naman pag nabasa niyo talaga promise! Sasabihin niyong tama ako :]


Bad Love
Ella Gualvez

          "Mula ng dumating sa buhay ni Janet si Mukhail, nagbago ang tingin niya sa mundo. Nalimutan niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Basta kasama niya ito, kakayanin niya ang lahat. They were inseparable and she thought it would be like that forever.

          Then a sweet, fragile-looking girl came their way. Kaibigan ang turing niya kay Hanna noong una. Hanggang sa makita niyang angkin nito ang mga labi ng lalaking mahal niya. She knew then that he would break his promise that he'd always be there for her.

          She felt dark ang ugly emotions coiling like poisonous snakes around her heart. She suddenly turned cruel and did what she had to do -- inalis niya sa landas nila si Hanna.

          Masaktan na ang lahat ng masasaktan, she vowed to make Mikhail hers alone..."

Saturday, July 23, 2011

Napagtanto Ko Lamang

Naisip ko lang ang laging sinasabi sa akin ng "B.F.F. kong si Mayvic" na ako yung taong fascinated sa mga love stories ngunit wala namang sariling love story. Napagtanto kong oo nga tama siya. Pero anong magagawa ko kung iyon ang kagustuhan ng aking pamamalagi dito sa mundong ibabaw. Nagkakasya na lamang sa panonood ng successful na love stories, pagbabasa ng patungkol dito at pag-oobserba sa paligid na pumapatungkol pa rin dito.


Siguro hindi pa lamang ito ang tamang oras sa pag-ibig na tinatawag. Oo corny pero yun talaga yun accept the fact *seryoso mode* ako ngayon walang magulo. Ako yung taong madaling mahulog, pumapatungkol ito sa damdamin, sabihin na natin na fragile, vulnerable at kung ano pa mang gusto mong itawag. Napaka sensitive kong nilalang pagdating sa damdamin. Takte ngayon ko lang to isisiwalat dahil tinatamad akong gamitin ang ballpen ko! Masakit pa sa kamay. Tama na pan lecture mode ko na lang yung ability ko na yun.


Open sa public ito, oo pero maawa kayo di ako sikat na tao para pag pistahan ang aking saloobin at pagkatao. Kung galit ka i message mo ko o kung ano mang nararamdaman mo o gusto mong iparating sa akin.


Balik sa topic. Pero ganoon pa man magaling akong artista at matagumpay. Maaaring bigyan ng award sa pag-arte dahil di mo ito basta-basta makikita sa personality ko pero ngayong nabasa mo at nakita ikaw na lang mag-observe pero maaaring mapatunayan mo maaari ring hindi depende kung ipapakita ko o gagawa ka ng paraan para makita.


Minsan loud naman ako sa pagsasabi na 'uy crush ko yan' sa kadahilanang matalino ang tao, nakakatawag pansin, masayahin, at kapansin-pansin. Di naman lagi sa Physical tumitingin pero bibihira na lang ngayon yan dahil ang gusto ng marami ay pan display para ma boost ang ego nila at hindi esteem. 


Sa totoo lang sa panahon ngayon imposible na ang happy ending, posible man pero ang rate ay 1 out of 100 couples in the whole earth. Bakit ko nasabi? Bakit nauso ang divorce at annulment kung happy ending lahat? Hindi ko rin maintindihan kung bakit na isa batas ang mga iyan? Sadyang napakagulo talaga ng mga tao. Oo may Diyos tayo pero may mga taong sarili nila ang diyos nila.


Bitter ako sa pananalita oo nauso yang salitang bitter eh. Pero deep inside i'm not pangako. Romantiko akong tao. Na nagtatago sa matikas na personalidad ang ibig kong sabihin dito ay pride. Pride kasi ang alam kong pinaka magandang solusyon sa lahat. Praktikalidad ay huli pa lang sa listahan ko dahil maari siyang sumagabal sa pride.


Ang sa akin lang kung hindi mo maintindihan ang mga ipinupunto ko eh tigilan mo na ang pagbabasa dahil maguguluhan ka lang, maaari ring ma curious ka at balakin na alamin ang mga tinatago mong tanong. Ngunit masasagot lang yun kung itatanong mo sa akin ng diretso.


Sa totoo lang nakakapagod ding maging kengkoy na tao, masayahin, pala tawa kasi totoo na hindi alam ng iba na nasasaktan ka na pala. Mahirap kalabanin ang emosyon. May mga taong babasagin at may mga taong pagkatapos mabasag ay pagtitiyagaang mabuo ulit kahit may lamat na.


Ang sa akin lang unfair yun. Bakit? Naiintindihan mo ba ang mga katagang 'Ilagay mo ang kalagayan mo sa kalagayan niya?' Isipin mo na alng kung ikaw ang nasa kalagayan niya? Hindi ba't kung masama ang kalagayan na yun ay masakit talaga? Kung masasabi mong 'hindi rin' na kayang mong mag cope up hindi ka praktikal na tao, hindi ka rin ma pride na tao, isa kang hangal dahil pinipilit mong itama ang mali, pinipilit mong buhayin ang patay na napaka imposibleng mangyari, oo nga't hindi lahat ng tama ay tama at hindi rin lahat ng mali ay mali ngunit nasa sitwasyon ito.


Walang maikakatuwiran diyan dahil kahit abogado ka at ako'y batuhin mo ng pananaw at sa tingin mong sagot nagsasayang ka ng oras mo. Hindi ka naman magkakapera kung mapapatunayan mo iyan? Lalong hindi rin naman ako magkakapera kung tama ako. Ang sa akin lang ay may kanya-kanya tayong pag-iisip ngunit sa huli iisa lang rin ang patutunguhan nito.

Ok Ako na In Love

Woo! Eto nanaman ako napagkakatuwaan ko nanamang magbasa ng mga love stories. Masaya naman siya although may napakalaking impact niya talaga sa akin. Through this nalalaman ko ang mga bagay-bagay kahit di nararanasan.


In times mahirap siyang i-absorb lalo na yung nadadala na ako sa pagbabasa yung tipong 10 times ko pa siyang babalik-balikan para maklaro lang ang nabasa ko at i-sink in sa utak ko na "ahh ganoon pala yon".


Kainis din minsan kasi sa pag-aakala nating lahat ay may happy ending. Pero sa realidad napaka limitado nito. Hindi lahat matagumpay ika nga sa retorika. Siyempre ganoon din sa buhay. Nasasayo ang desisyon kung pagsusumikapan mong pagtagumpayan ano mang sagabal ang makaharap mo.


Pero paano kung dumating sa point na wala na, walang aalalay at susuporta sa gagawin mo? Ayun dun papasok ang independency pero wag kang ipokrita o ipokrito di ka mag tatagumpay sa love pagdating sa partner o pagpapamilya kung mag-isa ka lang, wag kang mamilosopo rito at paganahin ang common sense ang ibig kong sabihin ay dalawa kayo katumbas ng matagumpay na pagsasama hanggang makabuo ng pamilya.


Oo madaling sabihin para sa akin ang mga bagay na ito dahil di ko pa naman nararanasan pero mamulat ka naman! Produkto ako ng nagkahiwalay na dalawang nagmamahalan, potek! Nagpakasal nga sila, at sa kanilang album makikita mong parang walang mangyayaring hiwalayan pero past is past pero history pa din siya.

Sabagay nga naman wala ako ngayon dito at di niyo to mababasa kung nagkataon di ba?

Ang point ko lang naman dito eh, nakaka-inlove kapag nakakapagbasa ka ng happy ending stories, kung sasabihin mong hindi, wag mo kong kausapin kasi bitter din ako at sasang-ayunan kita ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon tulad ngayon. ;)

Friday, July 22, 2011

Step by step na Pagbabago

Lahat naman tayo ay dumadating sa point na nagiging bitter, galit sa mundo, na tratrauma, natatakot, at lahat ng negative sa mundong ibabaw ay na-aacquire natin. Aminin na tao ka din maliban na lang kung kapatid mo ang mga E.T.


Pero back to the topic, dadating din ang oras na mamumulat at mamumulat ka sa katotohanang hindi lahat ay dapat gawing negatibo o ipagsa walang bahala kahit pwede namang solusyunan. Kumabaga need nating mag mature. Isantabi ang pride, at maging practical sa maganda at positibong aspeto.


By this time ako ay namulat dahil lamang sa isang kwento na maaari naman palang maging ganoon ang isang tao. Need ko ng pagbabago. Emotionally and Intelectually kahit wag na Physically sa huli na lang iyan. This is it kumbaga! By old me and hello new me.


Well goodluck sa aking pagbabalak. Step by step naman kaya no worries wag lang sanang abutin ng 100 century. whew! reincarnated na ako nu  potek haha :))

My Special Valentine presents "Heartless" by Ella Gualvez

Ito ay kwento ng isang babae na si Veronica, siya ay isang accounting student ng UP Diliman, simple pero notorious pagdating sa pag-iisip. Totoong tao, open minded, hindi makimkimin ng sama ng loob, forgiving person, magaling mag-obserba, at magaling mag - adapt sa mga instances na awkward, weird, at kung anu-ano pa.

Sa totoo lang napakaganda ng storya na ito. Namulat ako sa mga pagkakataon na dapat ay maging praktikal tayo. Hindi sa lahat ng oras masagana tayo. Idol na idol ko si Veronica dito, mabait, di mapagkimkim ng galit, magaling mag obserba, mag adapt, matalino, magaling mag time management, i sama mo pa na maganda siya pero simple lang. Lahat ng nais niyang pag-aralan para maka cope up lang sa isang situation ay ginagawa niya. At lihim siyang umibig kay Andrei dahil sa mga kilig moments tease nito sa kanya.


On the other side naman ay si Andrei na nagpapahirap sa dalaga simula ng mapunta ito sa poder niya, ang frustrated at ng nagsabog si God ng sama ng loob sinalo niyang lahat, di siya madaling magpatawad. Dahil sa laging kunot ang noo niya, frustrated nga gusto niyang maging ganoon din ang nasa paligid niya para fair. Siya ay isang FAMAS awrardee na direktor. Magaling na magaling at perfectionist. Matalas ang dila at walng pinipiling lugar para mang humiliate ng tao.

Pero as time comes by, natutunan niya ang mga aspetong positibo kay Veronica at sa huli ay umibig siya dito. Isasaalang-alang lahat ng dasal para gustuhin siya ng dalaga na di niya alam ay lihim na ring umiibig sa kanya.


Kung inyong babasahin ang kwento, siguradong madadala kayo sa agos nito, sa totoo lang mabilis akong ma boring na tao lalo na kung wala ng katuturan pang basahin dahil alam mo na sa hinuha mo ang kalalabasan ng wakas ngunit dito sa kwento na to grabe! OA na nadala ako na halos magwala ako sa kilig habang binabasa ang asaran nila na talaga namang may twisy ng love.


Ilalakip ko dito ang summary plot ng storya nila. Wala akong babaguhin o anumang alterasyon ang ilalagay ko ay kung ano ang nakasulat sa likod ng munting libro na aking binasa.


Heartless
Ella Gualvez

          "Kung may matitirhan lang si Veronica na iba, hindi siya makikisiksik sa bahay ni Andrei at nang hindi iyon magamit na pang-blackmail ng lalaking kaligayahan yatang inisin siya dahil lang bad trip ito. Imbis na nagpapahinga siya dahil semestral break, ginawa pa siya nitong glorified alalay sa shooting ng pelikulang dini-direct nito. Naging frustration absorber siya ng topaking binata na siguradong landslide winner sa Pinakamasamang Ugali Award kung nagkataong mayroong ganoon. At sa malas, siya ang laging biktima nito.

          Pero pakiramdam ni Veronica, nangalahati ang life span niya sa bago nitong paraan ng pangbu-bully: he was flirting with her --- cornering her sa bawat pagkakataong makukuha nito, and teasing her with his nearness and attempts to kiss her.

          Mukhang nadiskubre na ni Andrei na tinatablan siya ng charm nitong hindi naitago ng sobrang kasungitan..."

Thursday, July 21, 2011

Kero-keropi :]

Itago natin sa pangalang Jasmine ang babae at Karla ang kaibigan ng babae at Sydney naman si lalake.

Katatapos lang mag-exam ng magkaibigang Jasmine at Karla ng mapagpasiyahan nilang kumain ng paborito nilang street foods na di naman kalayuan sa eskwelahan nila...

"Ano Jazz?" ,*Jazz ang tawag ni Karla kay Jasmine*, "Ayoko pang umuwi kain muna tayo!", maktol ni Karla sa kaibigan.

"Mas lalo naman ako no! Ayoko pang umuwi ang aga-aga pa ehh! Mabuti pa kumain muna tayo ng kwek-kwek or kikiam tsaka i tra try ko nga pala yung home made fishball nila, di ko matuloy- tuloy yun ahh", sagot naman ni Jasmine.

"Mabuti pa nga! Gusto ko din ng cheesedog ehh", si Karla.

"Tapos punta tayo ng WM", excited na sabi ni Jasmine.

"As usual! Tama ano pa nga ba?", sagot ni Karla habang naglalakad na sila.

"Sana may bagong laruan sa toy machine, tapos yung possible naman sanang makuha di ba! Duh! Haller! Hahahahaha good vibes ako ngayon sana makakuha tayo", sabi ni Jasmine habang patawid sila.

At nang nakatawid na sila ay dumiretso agad sila sa suki nilang kainan ng street foods at kumain pagkatapos ay nagbayad at nagpasalamat at dumiretso na sa WM upang magliwaliw sa mga toy machines doon.

"Game ako muna papapalit ng token", wika ni Karla at nilabas ang card para sa mga token.

"Sige-sige lang", sagot ni Jasmine habang tinitignan ang mga bagong laruan sa loob ng toy machines.

At ng nakapagpalit na si Karla ay sinimulan na nilang kumuha ng stuffed toys... Pagkatapos ng mahabang oras na pagtitiyaga ay nakakuha sila ngunit isa lang kaya't sinubukan pa nila ngunit nagsawa na sila at napag pasiyahang lumabas na at umuwi na. Habang nasa daan ay naghinuha si Jasmine at inilabas ang nasa imahinasyon niya ng mga oras na yun...

"Hey Karla, paano kung biglang masalubong natin si Sydney tapos makita niya tong si kero-keropi tapos sasabihin niya cute ayieeeeeeee! Tapos hihingin niya awwwwwwwwwwwww!", kinikilig na sambit ni Jasmine.

"Wushu ehh di malamang ibibigay mo yan! Tama ako no!?", sagot agad ng kaibigan.

"Ahmmmm, wait pag-iisipan ko pwede bang oo pero yayakapin ko muna ng isang gabiiiiiiiiiiiiiii! OMG!!! landiiiiiiiiiiiiii ehh nuh hahahahaha!",kinikilig at tumatawang sagot ni Jasmine.

"Hahahahahaha! Loka! Eh di sana nga kung makasalubong natin. Ano namang gagawin nun dito?", si Karla.

"Malay mo lang naman pero teka! Pag bad vibes ang story ehh nagkakatotoo gawin ko kayang bad vibes. Ganito sobrang inis na inis siyang naglalakad as in badtrip then nabangga natin tapos sasabihin niya (Ano ba!?) then pagtingin niya ehh biglang mawawala pag ka badtrip niya kasi makikita niya tong si kero-keroppi tapos sasabihin niya (Awwww Cute Naman Niyan Akin na Lang yan) sa isip ko naman 'sure pede ba pati ako' wooooo! haha hanglandeeeeeeeeee! Ampupu!", mahabang kwento ni Jasmine sa kaibigan hanggang makarating silang tawiran ulit.

"Ehh hindi pa din bad vibes yon! Tara na at tumawid antok lang yan! Sa bahay mo na ipagpatuloy imahinasyon mo!", sagot ni Karla.

"Ang KJ tsk!", si Jasmine.

At habang patawid sila ay may bumangga kay Karla at tumabi sa kanya na kinainis ng dalawa.

"Tsk! Ano ba naman yan nakaputi pa! Amp!", sabi ni Karla.

"Oo nga kainis!", tugon naman ni Jasmine.

At ng tinignan nila ay nagulat sila at nakita ay si Sydney. Gulat na gulat ang dalawa at nagsisigaw si Jasmine ng pigil.

"Uy! Ikaw pala! Takte akala namin kung sino! Loko ka ahh!", sabi ni Karla.

"Omg! Di nga! Sydney! Omg! Saan ka galing?!" *shet! di ako makapaniwala! ampupu!* , pigil na tugon ng dalaga kay Sydney.

"Ahh wala hahahahahahaha! Diyan lang.", sagot naman agad ni Sydney.

"Tsk! Tsk! Akala namin kong sino na haha sabi namin nakaputi pa naman tapos naniniksik hahaha loko ka talaga ahh!", sabi ni Jasmine.

"Oo nga hahahahahahahaha!", si Karla.

"Ohh siya sige ingat kayo hahahahaha! bye", si Sydney.

At pagkaalis ng binata ay lumabas ang sigaw na kanina pa pinipigil ni Jasmine.

"OMG! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, kainis! is this for real shocks!", si Jasmine.

"Oo na tara na haha di din ako makapaniwala!", sabi ng kaibigan nito at hinila na siya sa sakayan.

At pumara na si la ng sasakyan at nagpaalaman na at sumakay na para umuwi.

~more to come :]

Monday, July 18, 2011

Ayoko Na Talaga!

Masama ang loob ko eto lang yun. May sarili akong buhay. At pag sinabi kong tapos, tapos na! Tapos na ang chances. Sige subukan mo pa ako bukas i swear ayoko na ng 100%

Kung kandila nga nauupos tao pa kaya?

Wednesday, July 13, 2011

Ningas Kugon

Eeto yung pinaka iniiwas-iwasan ko! Bakit?! Kasi oo nga at nagagawa mo sa una pero pagdating ng huli babalik at babalik ka pa rin! Naiinis ko! Kailangan ko ng parusa!

Nakakainis! Hindi na ako nakakagising ng maaga, always late kahit malapit lang ang apartment! Buset ehh! Kailangan kong bumawi! Need ko magbago ng unti-unti. Hindi yung unti-unti ehh bumabalik sa dating gawi!

Ok! Ngayon ay 1st offense kailangan ko talaga ng parusa! Ngayon hindi ako matutulog at tatapusin ko lahat ng dapat kong tapusin! Need ko itong gawin kung hindi ay masasanay nanaman ako!

Ayokong bumalik sa dating gawi! Tapos!

Wednesday, July 6, 2011

OMG na PDA

Ganito kasi yun napag desisyunan namin ng friendships ko na sila "Analyn" at "Frenz" na mag dinner na sa Jollibee ohh yeah walang advertisement dito dahil di ko nagustuhan yung chicken haha! Pero hindi naman yun yung sentro ng aking attention. Iba yung O.C. ako sa pagkain at kwento sa kaibigan ang concern ko ngayon ay ang OMG na PDA * shocking!*


Kasi naman habang kumakain kami at nagkwekwentuhan as well eh napadako tingin ko sa harap na lamesa na may nakaupo na couple ok fine couple sila na ayaw ata magkahiwalay ever in their life na halos waley ng tomorrow! Hindi ko naman sinasadya na maki usyoso pero naman! That's a very public place na halos agawan kayo upuan kahit gabi na makakain lang sa Fast Food Chain na iyon!


Observant talaga ako at sorry kung masama yun para sa iba. Kasi naman sige! PDA were in conservative culture na bansa! Ok fine open-minded let say that! Pero naman! Guys! Siguro kung kayo yung nandun at alam mong there's children doon, mga tao iba-iba siyempre di ba?!


Bakit hindi sila sa Hotel or Motel pumunta example Sogo haha takte! di to advertisement pero di ko alam yan nakikita ko lang at naririnig haha! Back to the topic! Isasalaysay ko ang kaunting storya pero guys! walang magulo! kung magagalit at negative ang feedback get out of my blog please! haha joke lang ok sige tatanggapin ko opinyon mo kung ipaglalaban mo at matatalo mo ko ok? :)


Here's the story una hinihintay ni Boy at Girl yung isang customer na matapos kasi gusto nila sa sofa type na upuan umupo sa gilid sa may salamin na kita mula sa labas and then while waiting chikahan sila and even kiss and kiss and kiss and kiss and kiss haha! alam niyo na yun wah pa innocent! di ako bitter ok nagsasalaysay lamang ako ng storya ok? Tapos ayun nga nakaupo na sila tuloy pa rin sa gawain nilang yun and then suddenly nag-uusap sila ni Boy bago bigalang tumayo si boy and they kiss again! haha parang korean drama pero di nakakatuwa kasi public nga guys! akala ko naman saan pupunta si Boy ay nako! oorder lang pala ang loko may pa kiss, kiss pa ehh matagal pa ah! 15 seconds ok?

Then bumalik si Boy and they kiss again! usap mode then kiss again, then aalis ulit si guy C.R. ata they kiss again, dumating si guy kiss again, finollow up ni guy ang order nila bago umalis kiss again pag dating kiss again ok fine lang sana kung ako nakakita nakita ito ng aking katabi si "Frenz" and naman! may bata nga sa paligid bata, as in mga inosenteng nilalang sa mundo.

Inuulit ko di ako bitter ang sa akin lang ok naman yun ok fine freedom nila yun pero sana yung responsibilidad eh wag kalimutan di din ako KJ o inggit what the hell!? Ang sa akin lang eh di ba sila makauwi sa bahay? O di kaya nama'y mag Hotel nga kung d afford ay nako! sa bahay na nga lang magtago haha pochi ehh! XD