Sa totoo lang napakaganda ng storya na ito. Namulat ako sa mga pagkakataon na dapat ay maging praktikal tayo. Hindi sa lahat ng oras masagana tayo. Idol na idol ko si Veronica dito, mabait, di mapagkimkim ng galit, magaling mag obserba, mag adapt, matalino, magaling mag time management, i sama mo pa na maganda siya pero simple lang. Lahat ng nais niyang pag-aralan para maka cope up lang sa isang situation ay ginagawa niya. At lihim siyang umibig kay Andrei dahil sa mga kilig moments tease nito sa kanya.
On the other side naman ay si Andrei na nagpapahirap sa dalaga simula ng mapunta ito sa poder niya, ang frustrated at ng nagsabog si God ng sama ng loob sinalo niyang lahat, di siya madaling magpatawad. Dahil sa laging kunot ang noo niya, frustrated nga gusto niyang maging ganoon din ang nasa paligid niya para fair. Siya ay isang FAMAS awrardee na direktor. Magaling na magaling at perfectionist. Matalas ang dila at walng pinipiling lugar para mang humiliate ng tao.
Pero as time comes by, natutunan niya ang mga aspetong positibo kay Veronica at sa huli ay umibig siya dito. Isasaalang-alang lahat ng dasal para gustuhin siya ng dalaga na di niya alam ay lihim na ring umiibig sa kanya.
Kung inyong babasahin ang kwento, siguradong madadala kayo sa agos nito, sa totoo lang mabilis akong ma boring na tao lalo na kung wala ng katuturan pang basahin dahil alam mo na sa hinuha mo ang kalalabasan ng wakas ngunit dito sa kwento na to grabe! OA na nadala ako na halos magwala ako sa kilig habang binabasa ang asaran nila na talaga namang may twisy ng love.
Ilalakip ko dito ang summary plot ng storya nila. Wala akong babaguhin o anumang alterasyon ang ilalagay ko ay kung ano ang nakasulat sa likod ng munting libro na aking binasa.
Heartless
Ella Gualvez
"Kung may matitirhan lang si Veronica na iba, hindi siya makikisiksik sa bahay ni Andrei at nang hindi iyon magamit na pang-blackmail ng lalaking kaligayahan yatang inisin siya dahil lang bad trip ito. Imbis na nagpapahinga siya dahil semestral break, ginawa pa siya nitong glorified alalay sa shooting ng pelikulang dini-direct nito. Naging frustration absorber siya ng topaking binata na siguradong landslide winner sa Pinakamasamang Ugali Award kung nagkataong mayroong ganoon. At sa malas, siya ang laging biktima nito.
Pero pakiramdam ni Veronica, nangalahati ang life span niya sa bago nitong paraan ng pangbu-bully: he was flirting with her --- cornering her sa bawat pagkakataong makukuha nito, and teasing her with his nearness and attempts to kiss her.
Mukhang nadiskubre na ni Andrei na tinatablan siya ng charm nitong hindi naitago ng sobrang kasungitan..."

No comments:
Post a Comment