Woo! Eto nanaman ako napagkakatuwaan ko nanamang magbasa ng mga love stories. Masaya naman siya although may napakalaking impact niya talaga sa akin. Through this nalalaman ko ang mga bagay-bagay kahit di nararanasan.
In times mahirap siyang i-absorb lalo na yung nadadala na ako sa pagbabasa yung tipong 10 times ko pa siyang babalik-balikan para maklaro lang ang nabasa ko at i-sink in sa utak ko na "ahh ganoon pala yon".
Kainis din minsan kasi sa pag-aakala nating lahat ay may happy ending. Pero sa realidad napaka limitado nito. Hindi lahat matagumpay ika nga sa retorika. Siyempre ganoon din sa buhay. Nasasayo ang desisyon kung pagsusumikapan mong pagtagumpayan ano mang sagabal ang makaharap mo.
Pero paano kung dumating sa point na wala na, walang aalalay at susuporta sa gagawin mo? Ayun dun papasok ang independency pero wag kang ipokrita o ipokrito di ka mag tatagumpay sa love pagdating sa partner o pagpapamilya kung mag-isa ka lang, wag kang mamilosopo rito at paganahin ang common sense ang ibig kong sabihin ay dalawa kayo katumbas ng matagumpay na pagsasama hanggang makabuo ng pamilya.
Oo madaling sabihin para sa akin ang mga bagay na ito dahil di ko pa naman nararanasan pero mamulat ka naman! Produkto ako ng nagkahiwalay na dalawang nagmamahalan, potek! Nagpakasal nga sila, at sa kanilang album makikita mong parang walang mangyayaring hiwalayan pero past is past pero history pa din siya.
Sabagay nga naman wala ako ngayon dito at di niyo to mababasa kung nagkataon di ba?
Ang point ko lang naman dito eh, nakaka-inlove kapag nakakapagbasa ka ng happy ending stories, kung sasabihin mong hindi, wag mo kong kausapin kasi bitter din ako at sasang-ayunan kita ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon tulad ngayon. ;)

No comments:
Post a Comment