Naisip ko lang ang laging sinasabi sa akin ng "B.F.F. kong si Mayvic" na ako yung taong fascinated sa mga love stories ngunit wala namang sariling love story. Napagtanto kong oo nga tama siya. Pero anong magagawa ko kung iyon ang kagustuhan ng aking pamamalagi dito sa mundong ibabaw. Nagkakasya na lamang sa panonood ng successful na love stories, pagbabasa ng patungkol dito at pag-oobserba sa paligid na pumapatungkol pa rin dito.
Siguro hindi pa lamang ito ang tamang oras sa pag-ibig na tinatawag. Oo corny pero yun talaga yun accept the fact *seryoso mode* ako ngayon walang magulo. Ako yung taong madaling mahulog, pumapatungkol ito sa damdamin, sabihin na natin na fragile, vulnerable at kung ano pa mang gusto mong itawag. Napaka sensitive kong nilalang pagdating sa damdamin. Takte ngayon ko lang to isisiwalat dahil tinatamad akong gamitin ang ballpen ko! Masakit pa sa kamay. Tama na pan lecture mode ko na lang yung ability ko na yun.
Open sa public ito, oo pero maawa kayo di ako sikat na tao para pag pistahan ang aking saloobin at pagkatao. Kung galit ka i message mo ko o kung ano mang nararamdaman mo o gusto mong iparating sa akin.
Balik sa topic. Pero ganoon pa man magaling akong artista at matagumpay. Maaaring bigyan ng award sa pag-arte dahil di mo ito basta-basta makikita sa personality ko pero ngayong nabasa mo at nakita ikaw na lang mag-observe pero maaaring mapatunayan mo maaari ring hindi depende kung ipapakita ko o gagawa ka ng paraan para makita.
Minsan loud naman ako sa pagsasabi na 'uy crush ko yan' sa kadahilanang matalino ang tao, nakakatawag pansin, masayahin, at kapansin-pansin. Di naman lagi sa Physical tumitingin pero bibihira na lang ngayon yan dahil ang gusto ng marami ay pan display para ma boost ang ego nila at hindi esteem.
Sa totoo lang sa panahon ngayon imposible na ang happy ending, posible man pero ang rate ay 1 out of 100 couples in the whole earth. Bakit ko nasabi? Bakit nauso ang divorce at annulment kung happy ending lahat? Hindi ko rin maintindihan kung bakit na isa batas ang mga iyan? Sadyang napakagulo talaga ng mga tao. Oo may Diyos tayo pero may mga taong sarili nila ang diyos nila.
Bitter ako sa pananalita oo nauso yang salitang bitter eh. Pero deep inside i'm not pangako. Romantiko akong tao. Na nagtatago sa matikas na personalidad ang ibig kong sabihin dito ay pride. Pride kasi ang alam kong pinaka magandang solusyon sa lahat. Praktikalidad ay huli pa lang sa listahan ko dahil maari siyang sumagabal sa pride.
Ang sa akin lang kung hindi mo maintindihan ang mga ipinupunto ko eh tigilan mo na ang pagbabasa dahil maguguluhan ka lang, maaari ring ma curious ka at balakin na alamin ang mga tinatago mong tanong. Ngunit masasagot lang yun kung itatanong mo sa akin ng diretso.
Sa totoo lang nakakapagod ding maging kengkoy na tao, masayahin, pala tawa kasi totoo na hindi alam ng iba na nasasaktan ka na pala. Mahirap kalabanin ang emosyon. May mga taong babasagin at may mga taong pagkatapos mabasag ay pagtitiyagaang mabuo ulit kahit may lamat na.
Ang sa akin lang unfair yun. Bakit? Naiintindihan mo ba ang mga katagang 'Ilagay mo ang kalagayan mo sa kalagayan niya?' Isipin mo na alng kung ikaw ang nasa kalagayan niya? Hindi ba't kung masama ang kalagayan na yun ay masakit talaga? Kung masasabi mong 'hindi rin' na kayang mong mag cope up hindi ka praktikal na tao, hindi ka rin ma pride na tao, isa kang hangal dahil pinipilit mong itama ang mali, pinipilit mong buhayin ang patay na napaka imposibleng mangyari, oo nga't hindi lahat ng tama ay tama at hindi rin lahat ng mali ay mali ngunit nasa sitwasyon ito.
Walang maikakatuwiran diyan dahil kahit abogado ka at ako'y batuhin mo ng pananaw at sa tingin mong sagot nagsasayang ka ng oras mo. Hindi ka naman magkakapera kung mapapatunayan mo iyan? Lalong hindi rin naman ako magkakapera kung tama ako. Ang sa akin lang ay may kanya-kanya tayong pag-iisip ngunit sa huli iisa lang rin ang patutunguhan nito.

No comments:
Post a Comment