Scientifically thinking, oo maganda siya, napatunayan, base ika nga sa facts so napag experementuhan na siya at napatunayan nga. Kung iisipin natin maraming taong dito nakabase. "To see is to believe" no exception, kaya siguro may 'atheist'?
Pero di ako against sa kanila, nabuhay tayong lahat sa mundong ibabaw ng pantay at pare-parehong may free will at sari-sariling pag-iisip.
So ganito na lang, kung sa tingin niyo naging masaya ang mga scientist, sa tingin ko naman hindi, oo nakilala sila noon at ngayon, pero ang punto eh, nalalaman niyo ba talagang masaya sila dahil matagumpay sila?
Sa tingin ko hindi, bakit? Oo tama kayo nagtagumpay sila at may na i-contribute sa mundo, pero alam niyo ba ang emotional state level nila? Oo naging masaya sila sabihin natin pero ibang saya yun, saya ng pagtatagumpay, pero kulang pa rin iyon.
Gusto niyo ng patunay? Eh di gawa kayo time machine :P
Maganda ang scientifically thinking kasi sa panahon ngayon modern na tayo innovative world kumbaga, so practically maganda ang pag-iisip na ito.
Pero isa isip! Hindi siya applicable sa lahat ng bagay. Gusto mo ulit ng pruweba?! Ano ka abogado?! Dami mong arte, sige gamitin mo yan sa 'love' tignan natin kung sumaya ka! :P

No comments:
Post a Comment