Someone you see yourself marrying / be with in the future
Hmm, cge ipapaliwanag ko may tatlo akong persepsyon para dito magulo ang isip ng babae alam niyo yan. Pero mas magulo ang isip ko ako lang :))
Una seriously hindi ko alam kung maniniwala ako jan dahil i belong to a broken family so bitter ako ika-nga. Mantakin mo ang bait ng pakita ng tatay ko nung bata kami almost PERFECT FAMILY tingin ko ngayon di naman siya masama sa sinasabi ko wala lang.
Back to the topic ayun nga siguro in my case now d ako maniniwala muna jan pero di rin ako magsasalita ng tapos mahirap nga baka pag dating ng araw ehh maiharap sa akin tong challenge na to at tawanan ako duh! Makakatikim sa akin ng mega punch with flying kick yung tao na yun :P seryoso ako!
Pangalawa i'm a typical type of girl pagdating sa love story. Kinikilig much at nangangarap din naman ika nga malambot inside *hihi* yeah kapag tinatamaan ako ng kilig siyempre ang gusto ko yung positive kaya akong panindigan, hindi puro salita, mabait, oo na gwapo (physical ehh nuh), hmmmm, yung mga katulad sa T.V. halimbawa mala 'Owen' ng Secret Garden at 'Gelo' ng Playfull Kiss.
Ehh babae pa din naman kasi ako kaya ganoon! Malay naman natin maging fairytale naman tulad ng gusto kong snow white pero ayaw ko malason *SIRA!* para halikan ng prince! Tange! Yung live happily ever after lang naman kung meron ayaw ko maging negative dito haha :P
Pangatlo ang pinaka possible sa lahat. Kung ano o sino yung gusto mo ay hindi mapapasa-iyo kumbaga kabaliktaran nun tested yan sa nakikita ko sa kapaligiran. Sa environment lang kasi kung observer ka (uy observer ako yesh! haha) makikita mo na ang iba't-ibang mukha ng pag-ibig.
Teka iba na yan basta nasabi ko na haha baka ma carried away pa ako :))

No comments:
Post a Comment