Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Sunday, June 12, 2011

Katamaran Wawasakin Kita!

Buti na lang napagisip-isip ko rin na wasakin ang katamaran ko. Step by step siyempre! Masama pag biglaan ayokong maging ningas kugon. Masakit ang binti ko ngayon kakatayo malamang at kakalakad dahil sa peseteng kaibigang laptop ko na to. Anyways irerelate ko sa katamaran kasi pag may sumasakit sa akin kahit kuko lang (yeah!) tinatamad ako pero! This time! Katamaran MINUS!


Kailangan kong MAGSIPAG! Ayoko ng bumagsak :P Kaya this is it! Kung kinakailangan alisin ang madami o sobra na nagiging bawal gagawin ko! Pero wag kang feeler na in 1, 2, 3, poof! magagawa ko yun! Di ako alien! Pag-iisip pwede pa pero kilos hindeeeeeeeeeee! Kaya gagamit ako ng Step by step at Mind over matter. Common Sense naman alam kong maiintindihan mo yan pwera na lang kung ipinanganak kang slow o mahina :P


Sa totoo lang kapag biglang poof! (may tunog pa ehh! hindi literal wag kang pilosopo!) Naiiisip kong 'tinatamad ako' agad kong kinokondena na hindi! I can make it! Kaya ko itong labanan! Nagsimula yun nung naghuhugas ako ng plato oo tama ang narinig mo naghugas ako ng plato (himala!) Ehh kasi naman daming tambak tapos nakokonsyensya pa ako!

Actually dapat sa bro ko yun ipapagawa kaso ayun bulagta tulog na so iiwan ko na dapat siya kasi sa ref naman talaga nagsimula actually sa tubig pala. Bago matulog ang aking lola binilin niya yung ref para sa malamig na tubig but nung after namin manuod ni bro natulog na si bro at ako naman di pa makatulog kasi basta! (mahabang storya saka na lng tanong ka nlng personally) Kaya napadaan ako sa may ref na naka defrost at ayun mejo tinitigan ko siya.

At first balewala pero nung narinig ko na may nagsabi sa utak ko 'nakakatamad' ay naku! Binilisan kong punasan iyon at ng makita mejo madumi yung ibang lalagyan nihugasan ko. Tapos nagsalin ng tubig tapos naisipan ko din hugasan yung plato kasi akala ko konti lang. Nang matatapos na ako napalingon ako sa right side and bang! Napakamot ako sa ulo dahil hugasin rin pala yung patong-patong na yun!

At first ulit (peborit ehh) nasabi ko na 'tama na tinatamad na ako' but hindi! Pinalitan ko ang isiping iyon! Ginawa ko hinugasan ko siya and after ehh continue ako sa pagsasalin ng tubig at paglalagay sa ref kasi para may tubig na malamig lagi pa naman ako naghahanap nun so for own good din hehe. Napadamay pa yung mejo saluhan ng titis ng tubig mula sa plato na mahugasan ko gawa mejo madumi ehh at baka matapon tubig sa mga kutsara ehh yuckie yun!

Nakita ko din na yung tauban ng mga baso ehh may langgam pero ignore ko na yun! Sabi sayo step byt step lang! Masamang biglain baka magkalagnat ako! Mabulilyaso pa ang planong magsipag hoho! ;] *wink*

No comments:

Post a Comment