Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Tuesday, June 7, 2011

'only in my dreams' presents "Pagsalubong"


Sa bawat pagharap siyempre andiyan ang pagsalubong sa hinaharap. Sa bawat balak andiyan ang tagumpay o kabiguan na matatamo. Kumbaga ipinapakita lamang ng buhay sa'yo na hindi lahat ay puro  positibo.


Nung bata ka nadapa ka di ba? Alam mo sa sarili mo kung paano mo sinalubong ito. Ako kasi pagkadapa tayo agad at agad sabi sa mga kalaro ko ng "belat! Di naman masakit! Tuloy ang laro" paano ikaw?


Sa pagsalubong na gagawin mo andiyan yung mga plano o kahit di inaasahang plano na basta-basta na lamang lilitaw at lalatag sa harapan mo na parang mga baraha na pagkatapos mong balasahin gulo-gulo na malamang!


Bisekleta. Sa bawat pagpika mo dito masisiyahan ka lalo na at natutunan mo na ito. Pero di mo napagtatanto na mahirap din pala. Bakit? Sa haba-haba ng tinakbo mo mangangalay at mangangalay ka at titigil at titigil ka upang mamahinga.


Ganyan din ang gagawin mong pagsalubong sa mga posibilidad na pwedeng mangyari. Kung pipika at pipika ka pa rin maaaring makayanan mo pero andun pa din ang sakit sa huli. Kumbaga oo nakuha mo na pursue mo yung nais mo pero PINAGSISIHAN mo useless di ba?


Bakit hindi mo lagyan ng interval ng sa ganoon sa huli ma a-appreciate mo at matatanggap mo siya ng bukal sa kalooban mo. Ganun din sa pagbuo ng nais mong buuin. Kung may pasyensya ka ang kahit na pinaka mahirap na puzzle sa buong mundo ay mabubuo mo. :)


Sa pag-ibig iba naman. Mayroong madalian, matagalan, magulo, maayos, at kung anu-ano pa. Na sasaiyo kung anong gagawin mo para mag work out ito. Nasa kamay mo lagi ang lahat. Not literally kaya gumamit ka ng common sense :P

No comments:

Post a Comment