Something you are afraid of
Grabe dito talaga ang pinaka-madaling part sa challenge na ito dahil talagang puro ang mga kinakatakutan ko. At eto irereveal ko siya dito. Don't dare na takutin ako or else may paglalagyan ka hahaha :)) Marami-rami ito at talaga namang masasabi kong mangyari o magpakita na sa akin lahat awayin mo na ako wag lang tong mga to!
Una takot ako sa AHAS (SNAKE)! Oo sa ahas everytime makakakita ako nito even sa picture lang nagingilabot ako! Everytime na maiisip ko to na masasalubong ko or whatever or kahit makita lang sa panaginip ay grabe feeling ko mamamatay na ako at kung anu-ano talaga naiisip ko! Takot ako sa ahas dahil tingin ko sa kanila talagang di friendly at mamamatay ka ng pahirapan sa mga kamay nila not literally kamay ha! mag-isip ka at gumamit ng common sense! :P
Pangalawa takot ako sa DILIM (DARKNESS)! Oo naman lalo na kapag sa labas ng bahay kasi sa dilim marami kang pwedeng makita o maimagine na kakaiba at talagang kinakabahan ako at ninenerbyos! Naiisip ko na baka may ahas na lalabas oo ayan nanaman si ahas haha! Siyempre! Nocturnal yun ehh d gising sila sa gabi! Paano kung matapakan mo? Ehh di tapos maliligayang araw mo?! Sa totoo lang sa labas lang ng bahay ako natatakot kung madilim kung sa loob naman ng bahay at maayos naman ehh ok lang.
Pangatlo takot ako sa LINTA (LEECH)! Oo naman din kasi pag dumikit sayo yun sisip-sipin dugo mo makapit yun di pa ako nakakapitan nun pero NAMAN! AYokong mangyari yun! Sabi nila gagamit kutsilyo para matanggal yun tsaka suka tapos paiinitan OMG! Nakakamatay yun para sa akin!
Pang-apat takot ako sa IPIS NA LUMULIPAD! Oo kasi feeling ko pag lumilipad siya pwede ka niyang dapuan anytime! Grabehan masaklap yun!
Yun na lang muna sa tingin ko ehh yan yung mga bagay na kinakatakutan ko ng sobra.. Kung may maalala ako siguro sa next challenge na lang atleast may nalagay ako di ba : D

No comments:
Post a Comment