A letter to someone who has hurt you recently
Dear Someone,
Thank you for hurting me. Bakit kamo? Kasi nagwagi ka! Intentionally o hindi pero nagwagi ka! Nasaktan mo ako ayos ka! Madamdamin akong tao. At sinisigurado ko sa'yo na hindi ko malilimutan ang ginawa mong ito sa akin. Sabihin na nating ang pagpapatawad para sa bokabularyo ko ay malabo. Sabihin mo pa ang ano mang dahilan mo pero tapos na eh nasaktan ako. Hindi ako close minded ang akin lang eh, emotionally mo ako tinirada.
Alam mo mas gugustuhin ko pa na pinabugbog mo ako. Pina-torture PHYSICALLY para mas natuwa ka naman at mas may mababang impact para sa akin. Alam mo yung feeling na kahit sa salita lang eh, para mo na rin akong sinampal? Oo lahat ng tao pag nagalit galit! Pero alam mo yung free will? Alam mo yung pagpipigil? Kung hindi, wala na akong magagawa para sayo.
Ok sige sabihin na nating napatawad na kita in a way kumbaga eh, 1% over 100% pasyensya ka na ha kung yan lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Marami akong iniisip. Hindi ako perpektong tao. Lalong hindi ako santa. Hindi lahat ng pagkakamali laging mali. Hindi lahat ng iniisip mo ay tama. Hindi lahat ng sinasabi sayo ng iba ay may sa katotohanan.
Sa totoo lang sa tuwina na nagkakausap tayo at nasesemplang mo ako yung parang ganito ako ay isang basong babasagin na nasagi mo tapos na basag ng bahagya yung sa may parteng inuminan nitom itayo mo man ako at muling gamitin hindi mo na maaalis na nabasag na, nawala ang maliit na parte na kumukumpleto nito at nagbibigay buo.
Sincerely yours,
Gillan Cereno

awww. kanino kaya yung letter. kakaintriga..xD
ReplyDeletehehe sasabihin ko sayo BFF pero bubulong ko lang sayo sa skype pag nagka usap tayo :D
ReplyDelete