Songs you listen to when you are Happy, Sad, Bored, Hyper, Mad
Eto yung mga kantang pinapakinggan ko sa mga nasaad na MOODS na yan haha.. Actually marami sila but ang ilalagay ko ay yung mga latest na pinapakinggan ko pero yung iba naman matagal ko ng pinakikinggan basta ilalagay ko na lang ang deskripsyon.
Kapag ako ay masaya pinapakinggan ko ehh Perfect Two (Acoustic) by Auburn basta yung tipong nakakainlove naman.. Basta nakakainspire tulad ng Rhythm Of Love by Ciara C at Joseph [yung version nila mas gusto ko ehh] basta yung mga ganyang kanta : D
Kapag naman malungkot ako ay yung Intensity In Ten Cities ng Chiodos eto pa isa yung Jar Of Hearts ni Maddie Jane [mas 3p ko pag si Maddie Jane yung kumanta], grabe depressed na depressed ako diyan sa kantang yan! Basta pag malungkot ehh yung mga ganyang tugtog yung mga medyo slow at malumanay, yung pang broken hearted na songs yun mas tumpak na deskripsyon, yung tipong pwede ka at maiisip mong magpatiwakal no jokes but di ko pa naman gagawin yun mahal ko pa buhay ko! Madaming MALULUNGKOT haha :))
Kapag naman ako'y nasa sitwasyong BORING na BORING na oo kapag bored ako ehh kung anu-ano lang tulad ng kanta ng PAROKYA NI EDGAR kahit ano lang sa mga kanta nila sige magbibigay ako ng tatlo sa mga kanta nila yung Para Sa'yo , Sayang , Minamahal Kita at basta kanta nila! Tapos!
Kapag naman hyper ako ang pinakikinggan ko ay yung mga parang groovy na kanta tulad ng The Lazy Song ni Bruno Mars tapos ano pa ba wait iisipin ko pa yung kumbaga ehh mapapasayaw ako sa tugtog basta yun na yun ikaw na lang ang bahalang mag-isip basta ang code ay "mapapasayaw ako" haha! ; )
Kapag naman ako'y galit ano ba ang pinapakinggan ko wait lang di ko pa ata to nagagawa ang makinig kapag galit ng music.. Ay nagawa ko na pala wait aalalahanin ko lang yung kanta hehe.. Migraine by Moonstar 88 basta yan lang ang natatandaan kong pinakinggan ko nung galit ako so far..

No comments:
Post a Comment