"Sa iyong pagbangon at pagharap sa umaga dala mo ang iyong siglang nakalap sa pagkakahimbing. Isang sandata sa nakatakdang araw-araw na labanan."
"Sa bagong umagang iyong makakamtan ikaw ang tagapaglathala ng iyong kwento simula sa umpisa hanggang sa huli. Di mo maaaalis na meron kang maisusulat na dapat pala'y naitama mo na nung una pa para hindi ma matsahan ang iyong malinis na papel sa pagbura rito."
"Ikaw ang may hawak sa panulat na gagawing sandata sa lahat ng oras. Nasa sa'yo kung magpapatalo ka, mananalo o papagitna lang sa labanan upang maging normal ang lahat. Ikaw ang bahalang bubuo sa mga ito."
"Ikaw lang ang may kakayanang kolektahin ang mga lathalang nararapat upang mabuo ang mundo mo. Nasa kamay mo na ang lahat ng posibilidad na maaari mong makamtan. Nasa buo mong pagkatao ang hinahanap na kulang. Nasa utak ang impormasyon pero nasa isip kung papaano."
"Sa una't huli ikaw at ikaw pa rin ang nakatayo kung ito ang pananatiliin mo pero kung isusuko mo sinisigurado ko sa iyo na makakaya mo pa ring bumangon ng parang walang nangyari."
"Ikaw ang lahat sa lahat. Ang kulang sa kulang. Ang ikaw sa ikaw. At higit sa lahat ang posibilidad sa posibilidad."
"Bakit hindi mo halungkatin ang dapat halungkatin upang maliwanagan sa pagharap na maaaring gawin o gagawin pa man."
"Sa huli tanging ikaw pa rin ang pupulot sa bahagi na iyong bubuuin sa pagdaan ng panahon. At ikaw pa rin ang kukumpleto nito."


No comments:
Post a Comment