Contributors

My photo
Ako po si Gillan mabait at magalang pero di maiiwasan ang kalokohan.. Pero sa totoo lang mabait talaga ako wahahaha.. Friendly and bahala na kayo magtanong na lamang kayo ;)

Tuesday, May 24, 2011

REALIZE

Hindi ba talaga kayang matauhan ng isang tao na mali pala at nabubulagan lamang siya? Siguro nga maaaring may malaking porsyento na OO pero lahat naman ng bagay o kahit ano man ay may pero. Kumabaga walang perpekto. Kung meron man plastikan na lamang yun o matatawag nating literal na FICTION.

Ngayon siguro naman lahat tayo napagdaanan o mapagdadaaanan ang MASAKTAN at MAKASAKIT may oras nga lang pero pare-parehas ng level yun. Walang mas at wala ring kapiranggot lamang. Lahat level pagdating diyan. May maaarte lang talaga na OA (tabi tabi naman po).

Paano kaya matatauhan ang isang tao na hindi pala yun yung bagay na hinahanap niya? Na hindi pala yun yung piece ng puzzle niya na binubuo niya? Na kumbaga pink yung kanya tapos green yung nakuha niya. In a way maaari namang gawan ng paraan pero hindi sa lahat ng bagay.

Paano matatauhan ang isang taong TANGA? Yung isang taong MANHID? Yung isang taong ang SENTRO ng pag-ikot ng mundo niya ay ang SARILI lamang niya? Yung tipong takot siya sa lahat ng bagay? Takot siya na baka ganito, baka ganyan, baka ganoon..

Napakahirap naman ata matauhan talaga ng isang tao. Pero bakit madali silang sumubok sa isang bagay na alam nilang pag ginawa nila di na nila magagawang matauhan na mabubulagan na sila at makukuntento na lamang tapos biglang sa isang kisapmata maiisip nilang hindi pala.

Matatauhan silang ay mali pala, ganito pala dapat, tapos ganoon. Yung tipong kung kelan huli magsisisi ka. Well sige i try mong magsisi muna. Pero bilib ako sa mga taong natatauhan agad sa simula pa lang tapos biglang babalik balik na lang ulit pero ok pa din kasi una palang sineset na nila na kailangan nilang matauhan dahil kailangan at dahil yun ang tama.

Pero mas bilib ako sa taong hindi agad natatauhan, kasi mantakin mo yun buwis buhay ka na nananatili ka pa ring TANGA masabi lang na nag eeffort ka.






















No comments:

Post a Comment