Habits that I wish I didn't have
At eto na nga ang pang-apat na araw... Habit hmmmm... Una ano nga ba ang "habit", seriously medyo naguluhan ako diyan at kagabi ko pa iniisip kung ano yung habit ko na ayaw ko i mean kung sasabihin ko ba o mag-iimbento.. Pero naisip ko Challenge nga ehh so sasabihin ko na lang pero sa totoo lang medyo more than 1 ata ang ayaw ko pero let see pa din..
Una habit ko ang "magmura" sad to say yes nakakainis na kung nakakainis don't worry ako din naiinis pag naiisip ko yun pero binabawas-bawasan ko na siya unti-unti kasi naisip ko din naman pangit sa babae ang pala-mura ohh well may sense of pagpipigil naman ako kaso minsan talaga pag-uminit na ulo ko takpan mo na lang tenga mo pero minsan napipigil ko pa naman kahit papaano.. So ito ang una at in the near future mawawala na to sa listahan ko pag-umulit ulit ako ng Challenge PANGAKO *big smile* : D
Pangalawa pero sa tingin ko SEMI-HABIT pero wish ko pa din wag siyang maging HABIT kasi mahirap na haha kahit may sense of pagbabalance ako siyempre TAO lang ako noh! eto ay ang aking Pag-iinternet tinawag ko siyang habit bakit kamo? kasi eto yun paggising ko actually di na umaga minsan internet agad kaharap ko kahit kakain ako dadalhan na lang ako sa kwarto ko at siyempre asa harap pa din ako ng comp so ayun nga nakakasira din ng social life ahh basta yun na yun..
Pangatlo yung sa SLEEPING HABITS ko sana talaga magawa ko ng mabago ito at makatulog na ako sa tamang oras. Kasi seriously affected na nga yata pati ang mga appointments kooo.. How i wish i could sleep early so i can wake up early too.. But still on the process pa ito so I WISH MYSELF GOODLUCK whew! :))
Pang-apat ay grabe ang dami talaga pero dito ko na lang tatapusin kasi ako ng bahala sa iba haha :)) ung CRAMMING HABITS ko na mag-aaral lang ako 1 day before exam ohh well ganun kasi mas ok tapos ok din naman kinaallabasan ng grade ko pero gusto ko pa improve hehe.. So as well sa mga projects na ang pasahan ay 1 day left na lang dun ko siya pinupursige na gawin naipapasa ko naman at ok na ok ang grade but siyempre pressured ako nun dba hehe kaya madali ma stress so ayun lang..
Ayun lang naman sana mabago ko siya ahehe pero for sure in the near future I WILL, nothing is IMPOSSIBLE naman ehh : D

ikaw nga talaga c Badz :))
ReplyDeleteako talaga BADZY ko hehe I MISS YOU so MUCH naaaaa!!! :((
ReplyDelete